KC Concepcion feels complete because of Chloe Concepcion

Posted by By at 28 January, at 18 : 10 PM Print

KC Concepcion feels complete because of Chloe Concepcion

MARAMI na ang nakakapansin na look-alike ni KC Concepcion ang half-sister niyang si Chloie Syquia Concepcion.

Kaya super-happy ang anak ni Megastar Sharon Cuneta at sa tweet ni KC, sinabi niyang: “I finally found my missin’ puzzle piece! I’m complete!”

Hirit pa ni KC, masarap na impluwensiya sa kanya si Chloie dahil feeling teenager siya ngayon.

Madalas ding mag-bonding ang magkapatid mula ng dumating ang kapatid sa bansa from Sweden.

And KC made sure na naka-bonding  din nila ang isa pa nilang kapatid na si Garie Concepcion, anak ng ama nilang si Gabby kay Grace Ibuna.

Isinama na rin ni KC si Chloie sa party ni Tim Yap, na parang introduction na rin kay Twinzy (tawag ni KC sa 17-anyos na kapatid) sa showbiz, since pumirma na siya, with mom Jenny,  ng three-year contract under Viva Artist Management.

Pagiging modelo at paggawa ng album daw ang magiging first assignments ni Chloie sa Viva.

Magkasama ring nanood ng Katy Perry concert ang magkapatid at sumama rin si Chloie sa activities ng kapatid para sa WFP sa  Sta. Elena, Iligan City.

chloe concepcion

Philippine Celebrity News ,

Related Posts

Post Your Comment

You must be logged in to post a comment.